mga ginagawa para saan pa ,
kung sa kanya ika’y balewala.
sa karera walang panama
sa umpisa palang talo ka na
puso mo man ang itaya,
mauna ka man sa kanya,
siya pa din tanging panalo
sa loob ng kanyang puso
dapat pa bang lumaban?
kung walang ipaglalaban?
tama na ang bulag-bulagan.
itigil na kaya ang laban
Composed: March 27, 2012
Unang araw na wala sa tabi,
o parang kay lungkot ng gabi.
gusto halikan uli ang `yong labi,
nais ikaw ay hagkan parati.
bagamat puso’y malungkot
kahit isipan hindi ito maarok.
pipiliti’y sarili’y madampot,
mula sa nararamdamang lugmok.
nalulungkot ang mga mata,
nasanay sigurong andyan ka.
heto na nga…
wala ka na.
lumaban datapwat talo,
nahulog pero `di nasalo.
naghain pero may kasalo,
nagmahal pero puso’y talo.
Kahit hindi asintado,
ang pagpana ni kupido.
pinto’y hindi isasarado,
sa isipin hindi ka burado
makakain na nga lang ng champorado! hmppf!
Batang paslit sa kalsada,
Pilit kumikita ng pera.
Magulang mo asaan kaya?
Huwag sanang nakatunganga.
Umagang kay ganda
Ikaw ang gustong nakikita
Ngiti ng iyong Mata
Bagay sayo sinta
Ako ngayon ay kuntento
Sa masalimuot na mundo
Balot man ito ng misteryo
Ayos lang, ikaw naman ang kasalo
baliwala ang iyong salita
kung wala kang ginagawa,
para saan ang paghuni,
kung kumilos ay huli.
kakarampot na ang nagpapahalaga,
sa mga likhang tagalog na talata.
kaunti na ang may talinhaga,
wag sanang mawala tila bula.
pinoy mahilig sa likhang banyaga,
ayaw tumangkilik ng sariling gawa.
pano yayabong ang industriya
kung masahol pa sa malansang isda.
magulong talata
september 20, 2010
by ben almario
wag matakot wag malumbay
may mga bagay na sadyang mawawalay
nakikita ko na nakatingala’t tulala
nakatitig sa ulap at may inaalala
madalas di pinapansin ang katotohanan
mga pangaral nya’y di pinapakinggan
patuloy lang, hindi nakinig ng mataman
wag sana tayong magtutulog-tulugan
kaylamlam ng kalangitan
may dilim sa luntian
lupang tigang sa araw
tuyot na dahon, hamog ang kaulayaw
sa may baybayin may sinulat
ang kanyang pagsuyo’y binura ng dagat
umaasang ika’y hindi magkukubli
sa pinapatigas mong baluti
sapa sa bundok nagpatuloy ang agos
kahit pa sa pagtila ng unos
maya maya ang ulan ay huhulaw
liliyab uli ang haring araw
sa gabing pagsapit
bulalakaw ay nawaglit
hiling na sinambit
pagbigyan sana na ng langit
Obserbasyon
- by ben almario
Oct 26, 2011
(mapang husga)
ikaw na mapang husga
tignan sariling gawa
wag gawing bulag ang mata
ikaw ba ay walang sala?
(crab mentality)
ikaw namang utak talangka
di ka ba nahihiya?
taong umaangat sa madla
pilit mo namang binababa
(mga pinoy)
wag iasa sa gobyerno
ang lahat ng kagustuhan mo
di nila isusubo sayo
ang inaasam mong pag-asenso
(mga politiko)
madaming matalinong ungas
binabaluktot ang batas
hindi lalaban ng patas
gagamit pa ng daha
(mga nagtatapon sa estero)
si juan di na natuto
sa aral na dala ng bagyo
baha sanhi ng basura
bahang nagdudulot ng luha
(habang nasa taxi lane)
pinoy sadyang maalaga
uunahin kapag banyaga
kaming matagal pumila
sisingitan lang pala